March 8, 2016

Hi

I'm writing this kasi kung hindi ko to masabi kahit kanino baka mabaliw na ako kakaisip. I don't even know kung ano purpose nito, basta gusto ko lang 'to sabihin sayo. Sorry, alam ko may girlfriend ka na at di ko na dapat ginawa to pero di talaga maalis sa isip ko. Wala akong ibang makausap dahil dito. Coz if i did, i'd choke and die of all the things I said in the past.

Una, sorry. Sorry kasi all you did was love me at binaliwala ko yun. Di ako nakuntento. Sorry kasi all I did was hurt you. You didn't deserve any of that. Lagi kitang pinapahirapan dati, di tama yun. Worse, nagkagusto ako sa kaibigan mo. Naghahanap ako lagi ng reason para lumayo sayo. I was in denial the whole time.

Second, never naman ako nagalit sayo, sa relationship niyo. Naiintindihan ko. Ayoko lang yung fact na magkaibigan tayo, ayos naman lahat (as far as I know) then biglang sasabihan mo ko na ayaw ng girlfriend mong kausapin kita. Bakit? Okay naman tayo after grad, ano nangyari? Pati yung nakwento sakin ni Aldwin na di kita kinakausap dahil sabi mo galit ako sainyo kasi gusto kita. That wasn't the case. You told me not to talk to you, so yun ginawa ko. I never got to say my side of the story.

Honestly, last year nakita ko posts sa group niyo. Yung tungkol sakin, kanta nila JR at Marc pati screenshot nung tweet ko. Bakit nandun ako hahaha curious lang. Kasi ang tagal na, pero bakit involved parin ako kahit 3 years na halos tayo di naguusap (2 years at that time)? Yun din yung mga panahon na inaya mo ako magcarpool pero di ako pumayag kasi nahihiya ako. I don't know why. Pero buti na lang di ako sumama sa inyo kasi nalate ako ng gising that day hahaha.

Nung seniors night, nasa Paseo, tinanong mo ako na kung naging close muna tayo, ok kaya? I wanted to say yes, pero may iba ka na nun. Ang bastos naman kung sinabi ko yes after mong iconfess sa kanya feelings mo diba? Parang ayaw kitang maging masaya kung ganon nangyari.

Sa school, gusto ko kayo batiin tuwing nagkakasalubong tayo. Pero mas naiisip ko kasi na hindi mo ako babatiin pabalik, kaya wag na lang.

Ang tagal na, pero iniisip ko parin, pano kung naging tayo? Hanggang ngayon kaya tayo parin? Kung dati lagi kita inaaway, kung naging tayo ganun parin kaya? Magkasama kaya tayo palagi sa school tuwing vacant natin? Sabay kaya tayo lagi pauwi at papasok?

Sobrang namimiss na kita. Pero di ko na deserve na maging kaibigan ka pa pagkatapos ng lahat ng nagawa ko sayo. I don't deserve to be a person in your life. So ayun, nakakarma na ako ever since. I miss you as a friend, my go-to person. I just miss you in general.

Sorry if it took this long for me to finally have the guts to say all this. I guess magaling lang talaga ako magtagong feelings. Sanay na kasi.


I don't even know kung makakarating to sayo. Pero the day I send you this will officially be the day na nabaliw na ako ng tuluyan at nawala sa sarili.