Kapag narinig natin yung word na friend or kaibigan, ano naiisip mo? Usually sakin, yung mga times na tumatambay, mga food trip, at mga pangti-trip. Yung kahit ano gagawin mo, kalokohan man yan, basta kasama mo yung mga kaibigan mo hindi ka natatakot na mapagalitan. Tama ba?
Karamihan satin friends in high school yung pinaka-close. May nabasa din ako dati na yung mga kaibigan mo daw sa high school, sila na yung magiging kaibigan mo FOREVER. Applicable kaya un sa lahat? Hindi siguro.
Eh paano after ng graduation? Iba't-ibang school ang papasukan. May mga magdodorm at condo. Iba't-iba ang schedule. Marami din na makikilalang bagong kaibigan. Bihira na din magkita. Totoo pa kaya yung, 'your friends in high school will be your friends forever'?
Alam ko depende naman yun sa tao. Kung gusto niya na forever kayo magkasama sa saya at drama, edi meant-to-be. Kung hindi, pabayaan mo na lang. Wala namang mararating yung usapan at pagpipilit mo kung siya na yung may ayaw. Parang relationship lang yan, kung ayaw na nung isa, wala na kayong patutunguhan. Kesa naman mag-plastican pa. Hindi ba mas pangit yun?
Sa akin naman, nagcollege man kami nung mga kaibigan ko close parin kami. May mga times lang talaga na hindi ko sila nakakausap or nakakatext. One reason, wala akong load. Haha! Pero naiintindihan naman nila yun sigurado ako. Madalas parin kami mag-share ng mga stories namin about sa iba't-ibang everyday college life namin gamit Facebook. Yung mga random crush namin na mga nakakasalubong sa mga hallway. Kasama na yung mga pantasiya namin na mga pogi, malaman-laman na lang namin mga pogi din pala hanap.
Syempre minsan sa isang circle of friends hindi mawawala yung isang tao na epal at paimportante. May mga tao din sa high school na palagi niyang sinasabi na ayaw pa daw niya mag-boyfriend kahit na mahal din naman niya yung nanliligaw sa kanya. Ang labo diba? Tapos pagka-graduate na pagka-graduate, kulang na lang kainin niya lahat ng sinabi niya. Eh marami naman kasi talagang taong nagbabago pagtungtong ng college diba? Sadyang may mga tao lang talagang nagbabago hindi dahil sa mga bago nilang kaibigan, pero dahil sa matagal na niyang inaasam na LOVELIFE dahil sa nasawing lovelife dati.
Ganto kasi yun: kapag may nanliligaw sayo, sasagutin mo ba kaagad? Kung babae ka, hindi diba? Papakipot ka muna at makikiramdam. Hanggang sa ma-realize mo na ready ka nang makipag-relationship sa guy or hanggang dun lang naman pala ang patutunguhan nung ligawan na yun. Pero hindi naman lahat happy ending, meron ding times na sa sobrang tagal nang nanliligaw nung guy, nagsawa na siya at nakahanap ng ibang mamahalin na mamahalin din siya. Dahil sa ganitong kwento ng lovelife, medyo nagkagulo-gulo yung circle of friends ko.
First of all, itago natin sa pangalan na Spongebob yung guy, at Crayon naman si girl. Before gradutaion namin, umamin si Spongebob(take note: dati kong manliligaw ito! no hard feelings. Haha) kay Crayon na he likes her. Sa akin naman, wala na akong pakialam kasi I never really liked him, close friends lang talaga kami ni Spongebob. Tapos si Crayon naman close friend ko din, actually iisa lang circle of friends namin. So ayun umamin si Spongebob and stuff tapos may sinabi ata si Crayon na baka daw magalit ako. Lol what? Why would I care? Buhay na nila yun eh.
Then nung summer, bigla na lang wala na kaming balita sa kanila. Until one day, H, G, and me were hanging out sa clubhouse nung subdivision namin. Food trip at kwentuhan lang. Tapos nakita ko si Spongebob na dumaan. Edi kami, being chismosa and stuff, sinundan namin siya at tinignan kung saan siya pupunta. And guess what, tama hinala namin!! Kasi dulo yung ng street ng bahay ni Crayon at may kausap pa siya sa phone. Obvious kumilos eh. Tapos that night may iba pang nangyari. Si G kasi dating kapitbahay ni Crayon at super close talaga sila, chilhood friends. Pinuntahan niya yung isa nilang kapitbahay. Than, BOOOOM! Nakita ni G si Spongbob sa bahay ni Crayon! Edi syempre gulat silang lahat sa nangyayari that moment. Dahil dun sa gabing yon, lumaki na yung issue.
Pinuntahan namin si H at D that same night. Dun namin nalaman na may iba pa palang nangyayari na hindi namin alam. May isang story na tinetext daw ni Crayon si D (take note: nilalandi ni Crayon si D tapos yung girlfriend ni D ay tinuturing na bestfriend si Crayon) na puro flirty messages. Like, what?! Respeto naman sa taong may girlfriend na. Dahil dito sa mga text na 'to, pinuntahan ni Spongebob sa bahay si D at parang binalaan and stuff. Edi sabi ni D samin, anong namang pakialam niya sa kanila diba? Hindi na nga niya ineentertain yung mga text ni Crayon eh.
May iba pa kaming nalaman na kwento na nag-iinuman yung mga 4th year batchmates ko, tapos nagkkwento daw si Spongebob ng nasty stuff. Tapos puro si Crayon pa daw bukang bibig ni Spongebob. Wala ako sa inuman na yun kaya wala akong masyadong alam, ang sabi lang nung friend ko, "SOBRANG feeler ni Spongebob."
A few days later, tinext ako ni Spongebob tungkol dun sa issue. Porket galit daw kami kay Crayon and stuff, lalong lalo na daw ako. Syempre ako sagot ko hindi. Then may sinabi pa siya na si Crayon na lang daw tanungin namin kasi kung magsasabi daw siya baka daw magalit sa kanya. Like we care diba?!
Same college kami na pinasukan ni Spongebob, tapos katabi yung school nila G, at H pati si Crayon. What a small world. One Wednesday morning, nakasabay ko si Spongebob sa bus papuntang Buendia. Hindi niya ako pinapansin. As in! Masyado talagang feeler. Edi that morning passed by na nagrarant ako sa friends ko about sa encounter ko with Spongebob.
Then the next week, Wednesday, nagkasabay-sabay na naman kami. Pero this time, pinansin niya na ako. Edi syempre pinansin ko na din siya. Hindi naman ako ganun kasama, minsan lang.
Tapos the next day, Thursday, hindi ko siya nakasabay sa bus, pero nakita ko siya sa lobby ng South Building ng school namin, nagaayos ata siya ng gamit. kinalabit ko siya then nag-hi ako. Tapos dumiretso na ako sa pagpunta sa room ko sa 2nd floor. Pero bago pa ako makarating sa stairs, tinawag niya ako. Tapos sabay na kami umakyat ng stairs. Since malapit lang naman yung room ko, ako yung unang nagpaalam. Tapos nalaman ko na sa North Building pala klase niya, yung exact opposite ng kinatatayuan namin ngayon. Papunta na ako sa room tapos tinawag na naman niya ako. Tapos kinausap niya ako tungkol sa 'kanila' ni Crayon. First thing he said was, "In-unfriend kasi kita sa Facebook, nalaman mo ba?" Nung sinabi niya yun parang wala lang sa kanya. Like it's the most normal thing in the teenage world to do. Pero sakin it's very personal. Kasi ang last time na nagcommunicate kasi is yung night na nagtalo kami tungkol sa issue nila ni Crayon. Ano naman ang reason niya sa pag-unfirend sakin? Very simple. Ayaw daw kasi ni Crayon na kinakausap ako ni Spongebob. Bakit kaya? Sabi ni mother, insecure daw kasi. I'm guessing dahil nanligaw sakin dati si SPongebob. Pareho naman kami ng iniisip, kasi sinong kaibigan ba naman ang pagbabawalan ang isang tao na kausapin yung friend niya? Diba? Edi ako oo lang ng oo. That conversation ended with me just smiling at him and just listening through the whole thing. Pagdating ko sa room, napaisip ulit ako, "What just fucking happened?" Then text galore na sa friends ko!
Saturday. Tinext ko si Spongebob.
Me: Pwede magtanong?
Spongebob: Ano yun? :)
M: Ano ba meron sa inyo ni Crayon?
S: Sa family ko, kami. Pero sa family niya, ang alam lang kaibigan niya ako na may gusto sa kanya.
M: Ah okay.
S: Bakit mo natanong? :)
M: Wala. Curious lang.
S: Talaga?
M: Oo nga.
Ang sarap sagutin ng, Bakit? sa tingin mo ba pipigilan ko kayo?
S: Wag ka nga pala bigla biglang nagtetext. Baka kasi nakay Crayon yung phone ko kapag nagtext ka.
M: Ano ba naman yan! Pati text bawal!
S: Pwede naman. Wag lang biglaan.
Ano daw? Pwede pero wag biglaan? So magpapaalam pa ako bago ako magtext? Paano at bakit? Ganun ka ba kaimportante sa buhay ko para magpaalam pa ako kapag nagtext? Nakakairita talaga. Paimportante na lang palagi. Eh hindi ba nila napapansin na hindi naman namin sila kawalan? Sila pa nga ang nawalan ngayon ng mga kaibigan.
So ayun, just like that nawalan kami ng dalawang 'friends'. Pansinin niyo yung quotation marks tulad nung title. Kasi hindi naman lahat ng friends totoo, sadyang may mga traitor lang talaga. Talo-talo na. Walang kaibi-kaibigan. Tulad nung ginawa kay Crayon nung taong mahal niya dati. Dahil ngayon ang girlfriend nun ay kaibigan din namin before. What a small world talaga. Kaya ginawa niya rin 'to sa sarili niya.